Data de nascimento:
04 de janeiro de 1961 (
65 anos)
Atividades:
Atriz
Anos ativo:
1982 - presente
Bing Pimentel
Si Bing Pimentel (ipinanganak noong Enero 4, 1961) ay isang beteranang artista at dating modelo sa Pilipinas na nakilala sa pelikula at telebisyon mula dekada ’80 hanggang sa kasalukuyan.
Nakilala siya sa pelikulang Batch '81 sa direksyon ni Mike de Leon, kung saan nakatambal niya ang dati niyang asawa na si Mark Gil.
Sa kagustuhan ni Mark Gil, pansamantala siyang tumigil sa pag-aartista upang pagtuunan ng pansin ang kanyang pamilya at ang negosyo niyang tindahan ng bulaklak. Nagbalik siya sa industriya noong 2007.
Ina siya ng aktor na si Sid Lucero (Timothy Mark Pimentel Lucero).
Noong Nobyembre 2013, nanalo siya bilang Best Supporting Actress sa Cinema One Originals para sa pelikulang Kabisera, kung saan ginampanan niya ang karakter ni Din-din, asawa ng karakter ni Joel Torre.
Nós utilizamos cookies para garantir que você tenha a melhor experiência em nosso site. Se você continua a usar este site, assumimos que você está satisfeito.